Tamang Tao sa Maling OrasMarc Vincent De VeraFeb 6, 20191 min readUpdated: Feb 7, 2019 isa... dalawa.... tatloEto ang gabi kung saan ako nakatayong magisa,Tatayo sa maraming tao.Nakabukas ang mikropono,Habang nakatutok ang bawat liwanag sa aking kinatatayuan,na para bang kukunin na ako sa sobrang liwanag.Ang sarap palang pagmasdan,ang bawat pagsulyap ng mga talang kumikinang sa ganda,na para bang mga mata mo lang ang aking nakikita.Mga letrang gustong makawala,Mga salitang nais makalabas,Mula sa aking bibig,Na aking dapat ibigkas.Hindi Siyensya ang makakapagpaliwanag.Hindi rin matematika ang makakasagot sa hinahanap mo.Kung di ang bawat salita na bibitawan mo.Kung babalik muli ako,Sa mapait na araw,malungkot na gabi,habang umiiyak ang mga ulap,sa aking nanlalamig na pakiramdam.Pumikit lang ng saglit,Biglang nawaglit.Ang anino mo'y biglang nawala,kaya nmn magsisimula ako sa AAkala ko dati na 1+1=2 ang sasagot sa ating pagmamahalan,kumbaga ikaw + ako = 2 TOGETHER. oBa Ka ako lang ang hindi nakakaalam,Dahil masyado akong tutok sa kung ano ang nararamdaman ko para sayo,Eh! ayoko lang naman na mawala ka.Gaano man kadali ang pagalis mo,Habang ako eto iniisip parin kung paano mabubuo ang ikaw at ako kung walang IKAW.Lalaruin ko ang bawat salita na sasabihin ko.Maiparating ko lang sayo na kung gaano kita kamahal.Na hindi siyensyaang makakahanap ng sagot o ano pa mang asignatura.Ngayon! simula sa pagmulat ulit ng aking mga mata,Pa Ra bang nagising ako sa aking kinatatayuan.Sana sa huling sulyap ko sayo.Tanging isang salita nalang ang iiwan ko.Umaasa parin akong babalik ka.Wala na akong hinihiling pa.Yayakapin kita ng mahigpit,at sasabihing "PA-A-LAM NA"Hindi man ito ang tamang oras para sa atin,Pero ikaw ang tamang tao para sa akin.
Comments