Sa Ilalim ng Tanghaling Tapat .Marc Vincent De VeraFeb 6, 20192 min readUpdated: Feb 7, 2019 Tara maglaro tayo!Lakbayin natin ang mga laro ng pinoy.ikaw ba? ano ba gusto mong laruin?Bukod sa kaya mong laruin ang nararamdaman ko para sayo. Ah alam ko na!Tayo ay mag laro ng tagutaguan.ikaw na ang magtatago at ako na ang taya.sanay naman ako na magparaya.Kaya pagbilang ko ng sampu dapat nakatago ka na.isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima... anim...ng bigla mong tinigil.ang sabi mo ayaw mo ng larong ito,eh dyan ka naman sanay, sa pagtatago ng nararamdaman.di pa nga kita nahahanap,sumusuko ka na agad. Gusto mo habulan nalang.ako na ulit ang taya.sanay naman ako maghabol sayo eh.yung kahit na pagod na ako kakahabol sayo, di parin ako sumusukoang sabi mo, nakakapagod!eh anong gusto mo? Pitik-bulag?yung tatakpan ko yung mga mata ko,para di ko makita kung anong pinaggagawa mo. habang aantayin ko,yung pipitik para magising na wala ka na pala.O baka naman piko.sige na mauna ka na.tutal ladies first naman,kung saan ang galing mo sa paglalaro nito.yung ako na ang maglalaro.ihahagis ko palang sa tamang lugar,yung aking pamato.buti naman at tumama sa lugar kung saan nararapat.sa unang pagtapak ng aking paa,hanggang makarating sa dulo,at ng pabalik na ako,dun pa ako nagkamali.ganun ba kaayaw ng panahon,para sa ating dalawa. ang gusto ko lang naman,eh magkabahay pagtapos ng lahat ng istatsyon.o baka naman gusto mo Patintero nalang.ikaw yung nasa huling lugar,at ako ang papasok,sa napakaraming bantay.makalusot, makatakbo, makaiwasng hindi natataya,ng maraming bantay,ng maraming ka kompetensya.kung saan kailangan magisip,kahit na masikip,ang dadaanan,makarating lang sayo. yung kita ko na yung mga mata mong mapupungay,na isang bantay nalang eh nanjan na ako,dahil sa sobrang saya ko at pagmamadali,yung akala ko ikaw na ang kalahati ng puso ko.pero huli na pala ang lahat,na parang kinain ka na ng lupa,ng biglang may sumigaw na"TAYA!"o gusto mo agawan base nalang.kung saan ikaw ang base,at handa akong protektahan ka,para hindi makuha ng iba.o gusto mo trupo nalang.tutal sanay ka naman maghagis ng masasakit na salita,at magpaikot ng mga taong,handang magpakauto uto sa mga sinabi mo.Yung aantayin ulit kita sa ilalim ng puno,maguukit ng puso,na nangangako,na ikaw lang ang aking kalaro.yung sabay tayong bibili ng zesto,pati narin ng paboritong presto.nakaupo sa duyan,at eto na ang hudyat.Pababa na si haring araw.panahon na para magpaalam.aalis pero babalik.aantayin lang na dumungaw ang liwanag sa aking bintana.yung pupunta ulit ako sa harap ng bahay niyo.isisigaw ang pangalan mo,ng may tono,kahit di pa naliligo. Ang sarap balikan,ng mga panahong handa ka lumabas.sa napakainit na araw,pati ulo ng nanay mo mainit na.ganito tayo kasaya,kahit na nangangamoy araw.at bilad pa sa araw.Buti pa ang tanghali, TAPAT. Di katulad niya, di pa SAPAT ang APAT na DAPAT sa iisa lamang.
Comments