top of page
Search

Masama pero Masarap

  • Writer: Marc Vincent De Vera
    Marc Vincent De Vera
  • Feb 6, 2019
  • 1 min read

Updated: Feb 7, 2019

Habang naglalakad,

Ako'y nakaamoy ng pagkain

at sumangayon ang aking sikmura

Kaya ito'y aking sinundan kung saan nanggagaling.


Nung ako'y kukuha na ng makakain,

Sa kawaling parang ulo mo,

Na laging mainit at sa mukha mong makintab dahil sa mantika.

Ang dami kong naalala.


Dapat pala nung nalaman kong malabi na.

Kumain nalang sana ako ng,

KWEK KWEK!

Tutal ang QUICK mo namang umalis.


O di kaya FISHBALL nalang,

Kasi di mo ko kayang mahalin.

O baka nga KIKIAM,

Sa una lang pala malaki ang pagmamahal mo, habang tumatagal lumiliit narin.


Siguro KALAMARES nalng,

yung aKALA ko na kila MARES ka lang,

Yun pala na kila kumpare ka.

Ang sakit lang na iba na ang kapares mo, parang PARES lang


Yung kahit na gutom na ako,

Pinilit ko pa ding kumain,

kahit na masakit sa puso,

Nung inaalala ko yung mga panloloko mo nung tayo pa.

 
 
 

Comments


  • facebook
  • twitter

©2019 by Marc Vincent De Vera III. Proudly created with Wix.com

bottom of page