top of page
Search

Ihaw lang ang Aking Mahal.

  • Writer: Marc Vincent De Vera
    Marc Vincent De Vera
  • Feb 6, 2019
  • 1 min read

Updated: Feb 7, 2019

Hindi nako kakain ng dugo/betamax,

Baka tumaas na naman ang dugo ko,

pag nakikita kitang,

may kasamang IBA!


hindi narin ako kakain ng barbeque,

Ayoko na ring magpakauto,

sa mga katagan.g.

"IKAW LANG ANG BIBI KO"


Hindi ko naman hilig na isang kagat isang sawsaw.

Hindi katulad mo,

Pagkatapos mong tikman,

Makikisawsaw ka parin sa iba.


Yung pagmamahal ko sa iyo para sunog na inihaw,

Kahit na nakikita ko na yung bawal,

Pinipilit ko parin itong tanggapin,

Basta napapasaya ko ang sarili ko.


Hindi lahat ng bawal,

MASAMA!

Sadyang mas inilalaan mo lang ang kasiyahan mo,

kahit na makakasama sa iyo.

 
 
 

Comments


  • facebook
  • twitter

©2019 by Marc Vincent De Vera III. Proudly created with Wix.com

bottom of page