top of page
Search

Ang Ibong mababa ang Lipad

  • Writer: Marc Vincent De Vera
    Marc Vincent De Vera
  • Feb 6, 2019
  • 2 min read

Updated: Feb 7, 2019

Isa!

Isang araw!

Isang araw na balot sa kadiliman.

Walang nakikita

Walang naririnig

Tanging isang liwanag ang nais mapuntahan.

Liwanag na kung saan ikaw ay naroroon.

Ang sasagot sa lahat ng tanong.

Imposible?

Imposibleng mangyari kung hindi pagpursigihin.

Mga pangarap na parang lobo.

Kung hindi mo bibitawan,

Hindi mawawala.

Kung hindi mo paglalaruan,

Hindi mawawala

Kung hindi mo ilalagay sa tabi mo,

Hindi mawawala.

At kahit kailan hindi ito mawawala.

Kung pinanghahawakan mo ito.

Kahit tamaan pa ng bala,

O ng pala,

Hinding hindi masisira.

Maaring tumataas ang lipad

Dahil may tumutulong.

Maaring bumababa

Dahil pagod na mapuntahan ang liwanag.

Sa bawat pagkumpas ng pakpak,

Hindi inaasahang pumalpak,

tumama sa malaking sanga at sumalpak

at kahit kailan hindi tumpak,

ang pagpili ng desisyon at napunta pa sa mali.

Kahit na malayo pa,

at kahit alam kong malaya na,

Bakit patuloy parin ang paglipad?

Dahil ba alam ko na ikaw ang sagot.

Kung bakit ako'y naririto.

At kung bakit patuloy parin akong nanalig sayo,

Kahit alam kong di kita nakikita,

Nararamdama\n ko ang presensya mo.

kahit na mababa na ang lipad,

basta kasama kita,

Dahil ikaw ang lakas ko.

Ikaw ang bumubuhat ng mga mali ko,

At ikaw rin ang dahilan kung bakit naitatama ko.

Ang puso kong parang babasagin na bagay.

Nasisira at nababasag.

Kahit na nasisira

natutunang ibalik sa dating ayos kahit di na katulad ng dati.

Kahit na napako ako sa aming pangako,

Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa ko sa pangalawang pagkakataon.

Masasabi kong mahirap makapunta kung saan ka naroroon.

Dahil tinutulungan mo kong iayos,

Ang buhay ng mga taong nagmamahal para sa akin.

At sa una at huli nating pagkikita.

Nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo ko,

Sa mundong kailangan imulat ang mga mata nila.

Kung sino sila at bakit sila nandito.

Na isang kabataan na maraming pangarap at hangarin.

At dahil sa tukso,

Nakalimutan na at naliligaw na ng landas.

Marami akong kasabay,

At ang iba ay nawawala na.

Pero eto ako kahit malapit ng sumuko.

Hinding hindi isusuko ang pananalig sayo.

Dahil ikaw ang susi ng sarado kong puso.

 
 
 

Comments


  • facebook
  • twitter

©2019 by Marc Vincent De Vera III. Proudly created with Wix.com

bottom of page